PHNO=PNoy: VIDEO OF NOY'S SPEECH / COUNTRYMAN SPEAKS: WHAT I WILL DO AS PRESIDENT


VIDEO OF NOY'S SPEECH / COUNTRYMAN SPEAKS: WHAT I
WILL DO AS PRESIDENT

VIDEO: FULL TRANSCRIPT OF PRESIDENT AQUINO BEFORE HE LEFT FOR UK
AND USA

Pahayag ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas Bago ang kanyang pagbisita sa United Kingdom at Estados
Unidos
[Inihayag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2,
Lungsod ng Pasay, noong ika-4 ng Hunyo 2012]
Executive Secretary Jojo Ochoa; Senator Franklin Drilon;
General Manager Jose Angel Honrado; Chief of Staff, General Jessie Dellosa;
Police Director General Nicanor Bartolome; Vice Admiral Edmund Tan; members of
the Cabinet present; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal
ko pong kababayan:
Magandang hapon po sa inyong lahat.
Ngayong hapon, tutungo po tayo sa United Kingdom; ito po ang
kauna-unahan nating pagkakataong makabisita sa Europa, buhat nang manungkulan
tayo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Magmula sa United Kingdom,
didiretso naman po tayo sa Estados Unidos upang paunlakan ang paanyaya ni
Pangulong Barack Obama na makipagpulong sa kanya sa Washington, D.C.

Magmula pa po noon, matibay na ang pundasyon ng ugnayang
Pilipinas at United Kingdom, at itinuturing natin silang mahalagang katuwang,
lalo na po sa kooperasyong pang-ekonomiya. At sa katunayan, sila po ang isa sa
mga top European investors natin; at sila rin po ang pinakamalaking merkado
natin sa turismo sa Europa, at isa sa mga pinakaaktibo nating katuwang sa
kalakal.
Sa pagbisita po natin sa London, makikipagpulong tayo kay
Punong Ministro David Cameron. Pagkakataon din po ito upang mapasalamatan natin
ang United Kingdom sa kanilang suporta sa kaunlarang pang-ekonomiya ng
Pilipinas. Nasa panig din po natin sila sa pagpapatibay ng kooperasyong
pampulitika, at isang mahalagang katuwang sa pagpapatatag ng ugnayan tungo sa
kapayapaan. Sa katunayan, kabalikat natin ang United Kingdom sa pagpapataas ng
antas ng kakayahan ng ating kapulisan at pagbuwag sa pandaigdigan terorismo sa
pamamagitan ng Regional Council of Terrorism Investigations Management Course.
Aktibo rin silang nakikibahagi sa International Contact Group upang higit pang
mapatatag ang usapang kapayapaan sa Mindanao. Tumulong din ang UK sa matagaumpay
na pagtataguyod at implementasyon ng Citizen's Charter sa ilang local government
units na bahagi ng ating Anti-Red Tape Act na naglalayong matiyak na malinaw at
matapat and mga transaction nangyayari sa pamahalaan.
Dadalo din po tayo sa ilang business meetings kasama ang
nangungunang British at European investors. Sasaksihan po natin ang paglalagda
sa ilang business deals na pinagkasunduan natin katuwang ang Shell, Gaz Asia,
Aboitiz, Rolls Royce, at Cebu Pacific. Malawig po ang serbisyong maaaring
maihatid ng Pilipinas sa mga investors na ito, lalo na sa larangan ng
information technology at business process outsourcing, renewable energy,
electronics, at ang Public-Private Partnership projects. Ito po ay bahagi ng
patuloy na pagsisikap ng ating dalawang bansa na itaas ang antas ng diyalogo
upang ang ating ugnayan ay higit pang lumawak at maging napapanahon.

Pagkatapos ng tatlong araw natin sa United Kingdom, tutuloy
naman tayo sa Estados Unidos. Nakatatak na po sa kasaysayan ang pagkakaibigan ng
United States at Pilipinas; 'di na mabilang ang pagsubok ng ating mga bayan na
siyang pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno noong nakaraang digmaan.

Sa larangan man ng pagpapaunlad ng ating pamayanan o sa
pagpapatibay sa ating pambansang seguridad, nananatili nating kabalikat ang
Estados Unidos. Pangalawa sila sa pinakamalaki nating trading partner, pangalawa
rin sa may pinakamataas na Foreign Direct Investments sa atin pong bansa. Dahil
dito, marami sa ating mga kababayan ang nabibigyan ng hanapbuhay po at trabaho.

Sa atin pong pakikipagpulong kay Pangulong Obama, sa Kalihim
ng Estado Hillary Clinton at sa kanilang mga senador at kongresista, layon po
nating talakayin kung paano pang mapapalalim ang ating kooperasyon—mula sa
pagpapalago sa ating kalakalan at pamumuhunan, hanggang sa pagpapalawak ng mga
kaalaman sa siyensiya at teknolohiya. Magkatuwang po tayong hahanap ng mga
makabagong paraan upang maiangat ang antas ng buhay at kalusugan sa bansa, tulad
ng ating isinasagawa ngayon sa ilalim ng Partnership for Growth at Millennium
Compact.
Susuriin din natin ang kasalukuyang pagtutulungang
pang-seguridad upang makita kung paano higit pang mapapalakas ang kakayahan ng
Pilipinas bilang kanilang kaalyado sa pagpapanatili ng kaayusan sa rehiyong
Asya-Pasipiko.
Makikipag-usap din po tayo sa kanilang mga negosyante upang
ipahayag sa kanila ang ating paninindigan: ang maayos na pamamahala ay
nagbubunga ng maayos na ekonomiya, at makikita po ito sa kaliwa't kanang
mabubuting balitang dumarating sa Pilipinas ngayon.
At tulad po ng bawat pagbiyahe natin sa labas ng bansa, hindi
natin palalampasin ang pagkakataong kumustahin ang mga kababayan natin sa United
Kingdom at United States. Sa United Kingdom po may pinakamaraming namamalaging
Pilipino sa buong Europa; aabot po ang bilang nila sa 220,000. At sa Amerika
naman po, isa sa may pinakamalaking komunidad ng mga Pilipino ang pupuntahan
natin: ang lungsod ng Los Angeles. Bukod sa pasasalamat natin sa kanilang ambag
sa ating ekonomiya, pakikinggan din natin ang kani-kanilang mga kwento, kasama
na ang kanilang mga hinaing at pangangailangan, upang mapagsumikapan nating
mahanapan ang mga ito ng tugon. Malayo man po sila sa ating mga isla, ipapaalala
natin na sila pa rin ang ating mga boss.
Makasisiguro po kayo: sa pitong araw na pagbisita natin sa
United Kingdom at United States, kapakanan lamang ng sambayan ang pagtutuunan
natin ng pansin. Sa patuloy na pangangalaga at pagdidilig ng ating relasyon sa
ibang mga bansa, nagpupunla tayo ng mas magandang kinabukasan para sa bandila at
sa ating mga kababayan. Mananatili lamang po tayong nakatutok sa kapakanan ng
ating kapwa, at huwag tayong lumihis sa tapat na pamamahala, at hindi po
magtatagal: mapipitas natin ang bunga ng isang mas maunlad, at mas mapayapang
bansa.
Maraming salamat po. Magandang hapon po sa
lahat.
A COUNTRYMAN SPEAKS: WHAT I WILL DO AS PRESIDENT







MANILA,
JUNE 5, 2012 (INQUIRER) By: Ramon Farolan - In contrast to the cerebral summations made
by defense lawyers in Chief Justice Renato Corona's impeachment trial, Rep.
Rodolfo Fariñas of the prosecution pointed out, in simple language easily
understood by the vast majority of our people, why the Chief Justice should be
convicted.
The points he raised were some of the key elements that tipped the
balance in favor of the prosecution notwithstanding the legal technicalities
raised by the defense. Even President Aquino, after the verdict was announced,
complimented Fariñas for his closing statements.
Sometime ago, I received a letter from Frisco Castro of Teacher's Village,
Quezon City.
In plain language, he pointed out what he would do if he were president of
the Philippines. I wish to share his thoughts with our readers because I believe
many of our people feel the same way but are unable to reach their leaders in an
effective manner so as to influence government programs and priorities. I do not
necessarily agree with him on all the points he raised, but there is a lot of
common sense in the views he expressed. Perhaps, they also represent the more
pressing problems that he faces in life.
Castro's letter reads:
As President of the Philippines, the majority of my countrymen cast their
votes to elect me as their leader. There is no question about this. With nobody
questioning the genuineness of the 2010 national elections, I feel free to act
within the law in order to serve my country. While I will act directly in some
instances, I will ask the legislative arm of the government to enact the
necessary legislation or introduce improvements on existing laws for the good of
the country.
I will do the following:
Remove from office those I appointed but who were unable to
discharge their duties as expected, through acts of commission or omission.

Instead of rhetoric, wage war against the Abu Sayyaf, the MILF, the NPA
and other elements with victory in armed conflict as the first objective. All
captured armed combatants shall be incarcerated and serve prison sentences as
provided by law. Those who are willing to renounce their hostility and
resistance to the government shall be given land to till, including seedlings
and implements (to help them become) successful farmers. Technical and marketing
resources shall be made available to them. All armaments that the government can
make use of shall be added to the AFP inventory. The government and
international agencies shall help civilian supporters of the defeated armed
recalcitrants to embark on peaceful pursuits.
Accept advisory and logistical assistance from friendly governments
in waging war against armed enemies of the State. Never mind the noisy
militants. Most of them are financially supported by local and international
organizations whose objective is to destabilize (our) democratic government.

Eliminate motorcycle assassins, criminal elements, etc., riding in
tandem. All violators should be stopped, apprehended and investigated. Those who
resist should be subdued by force of arms. This is the only way to stop crimes
committed by people riding in tandem on motorcycles. At some future time, when
this modus operandi shall have been eliminated, riding in tandem on motorcycles
may be allowed.
Eliminate the pork barrel system in Congress. This act is
aggravated when the congressmen and senators themselves assume principal roles
in the implementation of projects in their bailiwicks and relegate the executive
department-implementor to a secondary or meaningless role. Any president who has
to bribe legislators through the pork barrel system has no right to lead the
country. A sizable amount of government resources is wasted through the pork
barrel system.
Reduce the number of undersecretaries and assistant secretaries in
executive departments to two and four, respectively. Bureau directors should
remain as the mainstays in the executive branch. They are career people and
preserve the operating structure under any administration.
Double the size of the Armed Forces and the police organization. At
the same time, adjudicate all pending cases against members of both
organizations.
Eliminate all forms of hazing in the military and police academies.
Hazing during cadet life engenders brutality in the career of an officer.

Restore the Reserve Officers Training Corps (ROTC) in college. Only
those who are really physically unfit should be exempted from ROTC. Deferment
for reasons of health should only be made by AFP medical doctors. Any spurious
medical deferment may be challenged and the guilty party should be punished. No
alternative service, e.g., community service and the like, should be allowed as
an alternative to military training. Our country is short of reservists in the
officer class, unlike in 1941 when the Pacific War broke out. We cannot rely
entirely on the Philippine Military Academy. Apart from (PMA's) inability to
numerically fill the requirement for officers in the AFP, ROTC reservists have
shown their mettle in warfare.
Order the Commission on Higher Education (CHEd) to reduce openings
for college courses whose graduates remain unemployed because of scant
employment opportunities or offerings. In some cases, the courses may cease to
be offered.
Encourage vocational education through schools and employers.

Give emphasis to rehabilitation, instead of relief, in addressing
the problems of the poor.
Drastically cut the number of buses along Edsa to a few hundreds
and considerably increase light rail coaches. The same should be done in other
thoroughfares served by light rail systems.
Push for a constitutional convention of elected delegates in late
2012. Only those who have not served as senators and representatives shall
qualify to vie for delegate. This constitutional convention should have a life
of less than six months.
Advance the idea of senators elected by region. At present, the
majority of regions are not represented in the Senate. This is unfair to
residents of those regions.
Suggest an improvement in the selection of the chairman and members
of the Commission on Elections (Comelec) by requiring the adoption of the system
employed in the selection of justices of the Supreme Court, i.e., nominations by
the Judicial and Bar Council (JBC) and final selection by the president.

Follow a three- or four-year term for the chief of staff of the
Armed Forces of the Philippines. (AFP). The selection should not necessarily be
determined by the PMA class in line for selection. The president should have the
option to draw his choice from younger classes of the PMA or from graduates of
the ROTC if he is to appoint the best-qualified officer.
Invite all neighboring countries, including China, that lay claim
to parts of the Spratly group of islands and other areas in the West Philippine
Sea, to get together and find a solution to the conflicting claims. TO WATCH VIDEO CLICK THE WEBSITE LINK AT THE VERY BOTTOM AND CLICK PNoy CORNER.



Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (CLICK FOR EMAIL)
All
rights reserved




PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE


[Non-text portions of this message have been removed]



------------------------------------

-------------------------------------------------------------
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet

This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.

To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com

Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/

(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------Yahoo! Groups Links

<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/

<*> Your email settings:
Individual Email | Traditional

<*> To change settings online go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/join
(Yahoo! ID required)

<*> To change settings via email:
phno-digest@yahoogroups.com
phno-fullfeatured@yahoogroups.com

<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
phno-unsubscribe@yahoogroups.com

<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/
Backlinks
 

PH Headline News Online. Copyright 2011 All Rights Reserved