PHNO-SB: BIG ENTOURAGE NI MANNY & JINKEY DI PINAPASOK SA WHITE HOUSE


 



BIG ENTOURAGE NI MANNY & JINKEY DI PINAPASOK SA WHITE HOUSE

MANILA, FEBRUARY 17, 2011 (PilipinoSTAR) TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis - Bongga ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil natuloy kahapon ang pakikipagkita nila kina US President Barack Obama at First Lady Michelle Obama.

Mabilis na kumalat ang balita na natuloy ang meeting ng magkabilang kampo dahil sa Internet, Facebook message, at tweet ng kanilang entourage na hinintay ang paglabas ng mag-asawa mula sa White House.

Nabigo na makapasok sa White House ang malaking entourage nina Jinkee at Manny dahil ang magdyowa lang ang pinayagan na pumasok. Hindi naman naimbyerna ang mga kasama ng mag-asawa dahil alam nila na limitado ang mga bisita na tinatanggap sa official residence nina Papa Barack at Mama Michelle.

Richard at Solenn magka-holding hands sa dilim

Ang movie date nina Solenn Heussaff at Richard Gutierrez sa Rockwell noong Martes ang confirmed news na narinig ko sa press interview kahapon kay Paulo Avelino.

Pinanood nina Solenn at Richard ang Burlesque, ang pelikula nina Cher at Christina Aguilera. Ang say ng mga witnesses, holding hands in the dark sina Solenn at Richard habang nanonood ng sine kaya ang conclusion nila, may relasyon na ang dalawa.

Paulo totodo na sa pagpapa-sexy, Pokwang tsugI na sa Temptation Island

Wala pa sa kahabaan ng EDSA ang mga sexy billboard ni Paulo Avelino para sa Bench Body pero ipinakita ito sa akin ni Jun Lalin.

Seksing-seksi si Paulo sa kanyang pictorial. Sina Mark Nicdao at Ronnie Salvacion ang mga photographers ng sexy pictorial ni Paulo kaya hindi ito nailang sa paghuhubad sa harap ng camera.

Ang pagpayag ni Paulo sa sexy pictorial ang hudyat na ready na siya na tumanggap ng mature role.

Nagkasama kami ni Paulo sa Starstruck kaya masasabi ko na isa siya sa mga mababait na artista ng GMA 7.

Kung anuman ang mga blessings na tinatamasa niya ngayon, deserving si Paulo dahil never itong nagbigay ng problema sa production staff ng kanyang mga TV show.

Malaking tulong ang sexy pictorial ni Paulo sa muling pagsigla ng kanyang showbiz career.

Naipakita ni Paulo na hindi siya kagaya ng ibang mga aktor na hindi na nangarap na mapaunlad ang kanilang acting career.

Sila ang mga artista na nakuntento na lamang sa mga project na ibinibigay sa kanila. Hindi na sila nag-effort na magpaganda ng katawan at dagdagan ang knowledge nila sa pag-arte.

Twice a week ang taping ng aktor para sa Alakdana at kapag may spare time, pumupunta siya sa gym para mag-excercise. Alam ni Paulo na responsibilidad ng mga artista na maging presentable sa paningin ng kanilang mga tagahanga.

May gagawin na indie movie si Paulo. Pero hindi pa niya masabi ang ibang detalye dahil binubuo pa ito.

May nag-suggest na dapat isali si Paulo sa cast ng remake ng Temptation Island dahil maganda ang katawan niya ngayon. Agree ako at ang ibang mga reporters sa narinig na suggestion.

Hindi pa tiyak kung kailan magsisimula ang shooting ng Temptation Island. Knows kaya ni Pokwang ang tsismis na hindi na siya kasali sa cast dahil sa mga pagbabago sa production?

Excited na excited pa naman si Pokwang sa announcement noon ng Regal Entertainment, Inc. na kasali siya sa remake ng Temptation Island na pagbibidahan nina Marian Rivera at Lovi Poe.

----------------------------------------------------------

Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2011 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved

----------------------------------------------------------

PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE

[Non-text portions of this message have been removed]

__._,_.___
Recent Activity:
-------------------------------------------------------------
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet

This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.

To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com

Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/

(c) Copyright 2009.  All rights reserved.
-------------------------------------------------------------
.

__,_._,___
Backlinks
 

PH Headline News Online. Copyright 2011 All Rights Reserved