PilipinoStar: CLAUDINE AYAW NG MAKIPAG-SETTLE KAY GRETCHEN
[PHOTO AT LEFT - CLAUDINE BARRETTO & RAYMART SANTIAGO]
MANILA, NOVEMBER 8, 2010 (STAR) ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Away ng magkapatid malala na talaga.
Pinasalamatan ni Claudine Barretto sa Twitter ang pagbisita ng ilang press people sa taping ng Bantatay sa set sa Subic, kung saan kinunan ang mga eksena nang paggi-guest niya sa show ng asawang si Raymart Santiago.
Gaganap si Claudine sa role na Sheila, ang veterinarian na gagamot kay Bantay na nilalabasan naman ni Raymart, pero hindi sila magkikita dahil aso rito ang actor. Ibinalita rin ni Claudine na after the taping, dumiretso sila ni Raymart sa Tagaytay "to spend r anniversary."
Wedding anniversary kaya ang tinukoy ni Claudine? Sayang at 'di namin natanong ang mag-asawa, kaya pala sweet sila habang kausap namin. Laging nakahawak si Claudine sa braso ng asawa at si Raymart ay humihilig pa sa balikat ng misis.
Ang sabi lang ni Raymart, nagpa-reserve sila sa isang place sa Tagaytay thinking na dun ang taping nila, pero late na nalamang sa Subic kukunan ang mga eksena nila ni Claudine.
Pagdating sa mga intriga sa kanilang pagsasama, ang sabi ni Raymart, akala niya mawawala, pero maraming sumawsaw at may ibang hindi pa rin tumitigil.
"Away babae na maraming lalaking nangialam," sabi naman ni Claudine sa pinagdaanan nilang isyu.
Hindi nagsalita si Raymart sa "no comment" at "ayaw kong magsinungaling" na sagot daw ni Gretchen Barretto nang tanungin kung hiwalay na silang mag-asawa, kaya si Claudine na ang nag-react.
Sagot ni Claudine, "Hindi ba siya ang unang nagsabing hiwalay na kami? Matagal na siyang 'di nakakapunta ng bahay, ang dami niyang alam. Mas maganda, lovelife na lang niya ang pansinin, 'wag na ang buhay namin. Ang hirap, kapatid mo pa… mabuti kung ibang tao, nahihiya ako kay Raymart."
Mase-settle pa ba nila ni Gretchen ito? Ang reaksiyon, "'Wag na!"
* * *
Pasalamat si Dingdong Dantes sa trust ng private at public sector dahil siya ang napiling youth ambassador ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) at official campaign officer ng People Management Association of the Philippines (PMAP). Bibigyan ng halaga ng aktor at tiwala ang NCCA at PMAP.
Nangako si Dingdong na 'pag may free time, sasama siya sa events sa mga probinsya at kino-coordinate niya na makasabay ang mga event na ito sa event ng Yes, Pinoy! Kung saan involved din siya. Trabaho nila sa NCAA ang i-promote ang culture & arts lalo na sa youth.
Busy na uli si Dingdong dahil start na sila this week ng taping ng I Heart U Pare at excited na siya to be working again with Regine Velasquez. Kailangan niyang paghandaan ang pagiging spontaneous ni Songbird sa comedy para hindi siya maiwanan.
Sinagot ni Dingdong ang isyung nasapawan siya ni Dennis Trillo sa acting sa Endless Love.
"Unang-una, part of the role 'yun and it was also written that way. Middle of the story, na-bore at disappointed ako sa character ko, sabi sa akin, babawi rin ang karakter ko. I respect people's opinion kung tingin nila, Dennis is a better actor. He's a friend and we all played the role. If it was his opportunity to shine at that moment, then I gave it to him. One team kami, walang napabayaan, although na-bore ako at nagawan naman ng paraan," pahayag ng aktor.
* * *
Muling mapapanood si Iza Calzado na naka-two-piece sa episode ng Beauty Queen mamayang gabi at bukas.
First time ring magsuot ng trunks ni Luis Alandy sa TV at gaya ni Iza, hindi rin siya naka-tanggi't kasama ito sa istorya.
----------------------------------------------------------
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2009 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved
----------------------------------------------------------
PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE
[Non-text portions of this message have been removed]
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet
This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.
To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com
Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/
(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------