PALACE EXECS COLOMA, CARANDANG TO CLEAN UP AQUINO
MESS VS MEDIA
MANILA, AUGUST 1, 2012 (INQUIRER) Written
by Fernan J. Angeles - Malacañang is banking on two top government media bureau
executives to clean up the mess and hopefully patch up the gap that resulted
from the tactless attacks made against former Vice President Noli de Castro by
President Aquino, who now faces the ire of the entire media sector over what
seemed as irresponsible and reckless assaults on the media
industry.
Simultaneously, reported efforts to compel a top television
network's boss to sanction TV Patrol anchor de Castro, whom the President
criticized during the anniversary celebration of the news program, are also seen
to have started with the revelation of a network
executive.
Communications Secretaries Sonny Coloma and Ricky Carandang
will separately take measures to appease what seems to be an extremely furious
media sector, whom Aquino bashed in three instances when he was invited
supposedly as guest speaker but turned out as a hostile guest in all three media
occasions.
Their efforts however could be spoiled by what is seen to be
the part of the President's plan to compel the corporate executives of ABS-CBN
network to place de Castro either on suspension or floating status.
No
less than the ABS-CBN network Ombudsman's office confirmed having received a
letter from a a certain Victor del Rosario of Naval town in Biliran Province. In
his letter, Del Rosario allegedly urged the TV network to seriously ponder
President Aquino's tirades against De Castro's supposed skeptical remarks on
news feeds seen as positive developments in line with the Aquino administration
programs.
At the 25th anniversary of ABS-CBN's TV Patrol at the Manila
Hotel last Friday, Aquino, known for his passion for target shooting, aimed at
De Castro whom he described as deflating news reports on the country's progress
by way of making nasty side comments.
Aquino's attack on de Castro was
not the first he made against the media, he had also branded the Philippine
press as having a "crab mentality." With the members of the media getting to be
the favorite target of the President, coupled by the phenomenally high incidence
of media killings, the National Union of Journalists of the Philippines deplored
the Malacañang chief executive and his spokesman Edwin Lacierda for taking on
the legitimate media every time the administration was dragged into an
embarrassment resulting from their own doings.
In a strongly worded
statement, NUJP secretary general Rowena Paraan assailed what she referred to as
the 'whine and bash routine" of the President against his favorite whipping boy,
the media.
National Press Club president Benny Antiporda in a call to
this reporter likewise lamented the manner in which the government has been
treating the legitimate members of the working press.
Antiporda however
maintained that the NPC was taking a position that had nothing to do with the
political differences and the conflict between the President and De Castro, seen
as either personal or political.
The NUJP official likewise lambasted
Lacierda, who, she said, even managed to reiterate what should have been obvious
— that the Presidential broadside against De Castro was not only personal, it
was a message to the Philippine media as a whole, the same message, they noted,
that Aquino delivered at another silver anniversary that same day, that of
BusinessWorld.
Paraan said that while the NUJP did not want to be dragged
into what seemed either personal or political animosity between Aquino and the
former VP, media shouldn't be made as "a spar mate to whom jabs are thrown at
will without worrying retaliation."
"We shall not dwell on the propriety
or correctness of Mr. Aquino's personal attack on De Castro for switching from
media to politics and back again and seemingly mixing up the two.
She
spoke of NUJP plan seen to ensure protection of Filipino journalists against
"loose cannons" from the government — apparently referring to the tactless
President and his spokesman Lacierda for trying to dictate to the
media.
"But we shall not remain silent when he accuses us, not just of
'negativity and sensationalism,' but of actually robbing our people of the
chance and the capacity to dream. And we certainly shall not take it sitting
down when he deigns to tell us how to go about our work and what to put into
it," she added.
Even the journalists covering Malacañang have had their
taste of the Presidential tantrums, Cabinet policy designed to isolate critical
reporters and overzealous presidential bodyguards who in many instances
manhandled both male and female journalists.
Malacañang however has
warded off claims that Aquino was dictating what reports should be carried by
broadcast and print media.
Short of calling journalists liars, Lacierda
said they only wanted to urge media to carry factual reports and avoid giving
negative opinions.
De Castro has remained mum on Aquino's tongue lashing.
De Castro was Vice President during the term of Arroyo
Surprisingly, Lacierda
managed to boast of what appeared to be ridiculous. He denied Aquino's tirade on
the media sector elicited negative comments against the President.
"We
monitored the media stations—the comments in those online publications that came
out. The public felt very strongly in favor of the President. There were,
however, comments coming from certain media personalities," he
said.
Aside from the NUJP and the NPC, other media groups who seemed
eager to gang up on Aquino and his spokesman Lacierda are the Burgos Media
Center, Alab ng Mamamahayag (Alam), Center for Media Freedom and Responsibility
(CMFR), Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (Afima) and other province-based press
guilds.
FROM PHILIPPINE ENTERTAINMENT
PORTAL
Kris Aquino defends brother PNoy on his TV Patrol
speech: Nerisa Almo Tuesday, July 31, 2012 @ 06:37PM | 16316 views
"[He] has the right to defend himself & express his
opinion."
Nagbigay ng pahayag ang TV host-actress na si Kris Aquino bilang depensa
sa kanyang kapatid na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kaugnay ng
"prangka" speech ni PNoy sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol noong
Biyernes, July 27.
Kris Aquino posted this message on her Twitter account last night, July 30,
to defend her brother, President Noynoy Aquino: "[He] has the right to defend
himself & express his opinion? Freedom of speech is a 2 way street right?"
PNoy was accused of lambasting Noli de Castro when he delivered a "prangka"
speech during the 25thanniversary celebration of TV Patrol last Friday, July 27.
Photo: Noel Orsal
THE PRESIDENT'S SPEECH
Pangulong Noynoy Aquino: "Tandaan na natin, sa bawat sulat,
sa bawat ulat ay nag-iiwan kayo ng marka sa publiko, nakakaapekto kayo sa buhay
ng kapwa Pilipino." Karen A. Pagsolingan Saturday, July 28, 2012 @
01:37PM | 8509 views
May isang kahilingan ang Pangulong Noynoy Aquino sa mga mamahayag ng TV
Patrol: "Ibalanse lamang natin."
Dagdag ni PNoy, "Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa
dapat sana'y pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino." Photo: Monching Jaramillo
Una, magbigay-pugay sa lahat ng bumubuo ng programa.
Pangalawa, ipaabot ang kanyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento
ng isang anchor sa dapat sana'y magagandang pangyayari sa kanyang termino.
"Stick to the facts," ang winika ni PNoy.
Pangatlo, payuhan ang mga mamahayag na maging "balanse" sa pag-uulat at
pagbibigay ng opinyon.
Narito ang kabuuan ng talumpati ni Presidente Aquino: From the Official
Gazette of the President pf the Philippines
FULL TRANSCRIPT:
Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa
ika-25 anibersaryo ng TV Patrol
[Inihayag sa Manila Hotel noong ika-27 ng Hulyo 2012]
Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Senator Frank
Drilon; Senator Loren Legarda; Secretaries Mar Roxas, Greg Domingo, Ricky
Carandang; Chairman Francis Tolentino; Bangko Sentral Governor Sy Tetangco;
Mayor Alfredo Lim; Representative Sonny Angara; Commissioner Ruffy Biazon;
Commissioner Kim Henares; Chair Sixto Brillantes; past and present officials and
staff of TV Patrol and ABS-CBN; fellow workers in government; honored guests;
mga minamahal ko pong kababayan:
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Dito po magkakaaminan: Noon pong kabataan ko, wala pang ANC, wala pang CNN,
at aaminin ko po, sa totoo lang, wala pang cable TV. Kung kailangan mo ng
instant news, halimbawa, kapag may bagyo, nawalan ng kuryente, ang tutok namin
noong mga panahong iyon: Radyo Patrol. Sa pag-usad ng panahon, mas naging
moderno ang pagbabalita; ang tinig na rumoronda sa himpapawid, nadadagdagan ng
biswal na elemento.
At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng isa sa
mga pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita: Ang TV Patrol.
Sa loob ng dalawampu't limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at
sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino. Sa tuwing may
sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at
disgrasya. Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan
para sa tapat na pag-uulat. Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa,
mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong
isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu't limang anibersaryo. [Applause]
Kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang sikat na
police drama noong ako po'y bata pa. Dragnet ang pangalan po ng programa. At sa
pagkalap ng kaalaman, ang bukambibig noong isang bida, and I quote, "Just the
facts, Ma'am."
Hayaan po ninyo akong ilatag ang ilang facts na inihayag natin sa SONA noong
Lunes:
Five point two million sa pinakamahirap na kabahayang Pilipino ang buong-buo
at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Fact po ito.
Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na
kakulangan sa silid-aralan. Fact na naman po ito.
Tinitiyak na po ang kalidad ng higit sa 70,000 na mga baril na ipagkakaloob
sa natitirang 45 porsyento ng ating kapulisan. Matapos po ang prosesong ito,
magkakaroon na tayo ng one-is-to-one ratio ng pulis at sa armas na kailangan po
nila sa kanilang trabaho. Fact din po ito.
Ilan lang po ito sa mga pagbabagong tinatamasa ngayon, at nakamit po natin
ito sa unang dalawang taon pa lamang ng ating pamamahala. Nang mag-umpisa tayo
bilang Pangulo, ni wala po tayong masipat na "light at the end of the tunnel."
Ni hindi nga po kami sigurado kung may dulo pa ang balon ng problemang ipinamana
sa atin. Wala naman po sigurong magkakaila: Napakalaki na ng ipinagbago ng ating
bansa. At palagay ko po naman, fact din po iyan sa ating lahat. [Applause]
Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one
night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin
ang paghahayag ng inyong institusyon.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang nagbabalita sa
NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung porsiyento ang
passenger arrivals sa paliparan. Magandang balita, at higit sa lahat, fact po
iyan.
Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n'yo at ang sabi po
niya, and I quote, "Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala." Sa
loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi
po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan
niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.
Napapaisip nga po ako: 'yung nagkomento nito, hindi ba't anim na taon ding
tumangan sa renda ng gobyerno?
Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; 'di hamak mas luma
naman ang ipinamana nilang problema sa amin.
Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng
mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema,
tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan
ng nagpamana?
Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na
nakidnap.
Ang ganda na po sana: Nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at
na-recover ang bata. Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang
kanilang anak; masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama't ina; masaya
ang awtoridad na maayos at matagumpay ang operasyon nila.
Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa uling
humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran lang
talaga ang ransom. Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon;
nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang
nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor. Sabi nga ho ng
nanonood kong kasama, "Naman." Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain
kayo ng kapirasong ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin
ang mga nagkamali.
May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na kung
lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung nagbabangkaan
lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang patutsada. Pero kung
alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad.
Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, "magandang gabi, bayan," ay
totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.
May isa pa po: Ang pagtaas-baba po kasi ng pamasahe, dumadaan sa mahabang
proseso. Minabuti po nating makipag-ugnayan sa transport groups, sa pangunguna
po ni Secretary Mar Roxas, upang bumuo ng kasunduang makatuwiran. Dahil sa
kaguluhan sa Gitnang Silangan, malaki ang naging gastusin ng mga tsuper sa
pataas na pataas na presyo ng krudo, kaya oras na umabot ang diesel sa
napagkasunduang presyo, ibibigay sa kanila ang kanilang fare hike para
matulungan naman. Ngunit sang-ayon sila na kapag bumalik ang presyo't bumaba rin
ang presyo ng krudo, magkukusa rin silang ibaba ang pamasahe. Ika nila, imbes na
sumobra ang tubo, bilang Pilipino ay magmamalasakit kami sa kapwa Pilipino.
Ibinalita po ito ng field reporter ninyo. Good news po talaga: Ang
risonableng mungkahi, napagbigyan; ang pamahalaan, grupo ng tsuper, nagtulungan.
Panalo ang sambayanan. Ang problema, nagawa pa rin itong sundutan ng komentaryo.
Matapos i-report, ang pambungad na tanong ng inyong anchor: Ano raw ba ang angal
ng mga grupo sa akin po. Ang reaksyon ko, "Saan naman nanggaling 'yun?"
Nagkasundo-sundo na tayong tugunan ang isang problema, mayroon pang
naghahanap ng angal.
Nagkakasundo na nga, para bang gusto pa ring pag-awayin. Mahirap pong isipin
na bahagi ito ng inyong job description. 'Di po ba kung umangat ang ating
kalagayan, tayo ang panalo; at kung lumubog naman ito, tayo rin naman ang talo?
Bakit parang mas gusto ng iba na makita tayong lumulubog?
Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang
mangangayayat ang puso't isip niya sa kawalan ng pag-asa.
Mayroon po kayong The Filipino Channel, kung saan napapanood ng mga dayuhan
at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat ang mga balita sa Pilipinas. Isipin
po natin: bawat isang turistang bumibisita sa bansa tinatayang isang trabaho ang
naglilikha. Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa
araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong
magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito? Kung isa po kayo sa sampung
milyon nating kababayan na nagsasakripisyo sa ibayong-dagat, gaganahan kaya
kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa sa Shake, Rattle, and Roll ang
balita sa telebisyon? Kailan pa po ba naging masama ang pagpapahayag ng mabuting
balita?
Sa pagpapatrol ninyo sa bawat sulok ng bansa, tiyak na may nadaratnan kayong
mga positibong kuwentong maaaring maging bukal ng inspirasyon at pag-asa sa
ating mga kababayan. Hindi naman po siguro masusunog ang mga TV sets at radyo ng
inyong mga suki kung paminsan-minsan ito ang inyong ibalita. Hindi naman po
siguro kalabisang isipin na sa pagtaas ng iniluluwas nating coco water na
mahigit 3,300 porsiyento ang inangat, may mahahagilap kayong isang magsasaka na
magsasabing, "Dati, itinatapon lang ito. Ngayon napapagkakitaan na namin." Sa
mahigit tatlong milyong pamilyang benepisyaryo ngayon ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program, hindi naman po siguro mahirap maghanap ng isang magsasabing,
"Malaking tulong ang programang ito."
Alalahanin po natin: Anumang sinasabi n'yo ay nakakaapekto sa pananaw ng
Pilipino—humuhubog sa kanyang mga kilos, sa pagtingin niya sa kanyang sarili, sa
kapwa, at sa bayan. Kapag pinaniwala si Juan na panay pangit ang nangyayari sa
lipunan, talagang mawawalan siya ng dahilan para tumungo sa katuparan ng mga
adhikain niya. Pero kung nakikita niyang ang dating problema ay nasusulusyonan,
mag-aalab ang pag-asa, at magkakakompiyansa siyang sumulong dahil alam niyang
may pagbabago na.
Marami pa ba tayong problemang kailangang tugunan, at hindi po magiging
madaling lampasan ang mga ito, lalo na kung kaliwa't kanan ang hilaw na
kuru-kuro at spekulasyon. Sa akin na po mismo manggagaling: Marami pa ring butas
ang dinatnan nating sistema at hindi perpekto ang gobyerno, kaya't kung may
pagkukulang kami, ipaalam lang po ninyo. Parati ko pong ipinapaalala, sa ilang
samahan na baka tumataas ang ere: nag-uumpisa ang kaalaman sa pag-amin na hindi
lahat ng kaalaman ay nasa akin. Ako na mismo ang aamin: wala kaming monopolyo sa
husay at talino, at hindi kami tama sa lahat ng sandali. Subalit hindi
malulunasan ang mga problema kung sa bawat isang hakbang pasulong natin, puro
paatras naman ang hila ng ilang gusto tayong ibalik sa dilim ng ating dinatnan.
Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa't pagtitimpi, malamang naman po gold
medalist na po tayo diyan. Bahagi po kasi ito ng trabaho natin. Bahagi rin nito
ang magsabi ng totoo, at sa gabing ito, inilahad ko lamang po ang katotohanang
nakikita ko.
Hindi ko hinihiling na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento, o pagandahin
ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, kung naibabalita ang mga nagaganap na
krimen at trahedya, ibalita rin naman po natin sana kung paano ito naresolba.
Kung inilalantad po natin ang kabulastugan; matuto naman din po sana tayong
kilalanin ang mga nagagawang kabutihan. At kung may maimumungkahi kayo para lalo
nating mapagbuti ang pagsisilbi sa bayan, kami po ay makikinig. Ibalanse lamang
natin; tandaan na natin sa bawat sulat, sa bawat ulat, ay nag-iiwan kayo ng
marka sa publiko; nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino. Ang pagkiling sa
negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana'y pag-usad na ng ating bayan at
mga kapwa Pilipino.
Patuloy po tayong magsumikap upang iangat ang antas ng propesyunalismo,
integridad, at kredibilidad sa larangan ng paglilingkod-bayan; patuloy nating
isabuhay, bantayan at patingkarin ang ating demokrasya. Bilang isang lahing
Pilipino, sama-sama nating isatinig at ihayag ang ating paninindigan: nandito na
ang Pilipinas, tinatamasa na ng Pilipino ang pagbabagong siya rin mismo ang
gumawa.
Muli, at ako po'y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka nagsalita
ngayong gabi. Maganda na ho siguro 'yung totoo ang sabihin para magkaunawan tayo
nang maliwanang. Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan.
Maraming, maraming salamat po sa inyong paglilingkod sa bayan at more power po.
Magandang gabi po. [Applause]
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All
rights reserved
PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE
[Non-text portions of this message have been removed]
------------------------------------
-------------------------------------------------------------
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet
This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.
To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com
Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/
(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------Yahoo! Groups Links
<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/
<*> Your email settings:
Individual Email | Traditional
<*> To change settings online go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/join
(Yahoo! ID required)
<*> To change settings via email:
phno-digest@yahoogroups.com
phno-fullfeatured@yahoogroups.com
<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
phno-unsubscribe@yahoogroups.com
<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/