PNoy'S SPEECH AT NAT'L PRESS FORUM / NOY ACCUSES
PHL MEDIA OF 'CRAB MENTALLITY'
MANILA, APRIL 24, 2012 (PHILIPPINE PRESS
INSTITUTE) SPEECH OF HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III PRESIDENT
OF THE PHILIPPINES PHILIPPINE PRESS INSTITUTE'S 16TH NATIONAL PRESS FORUM
TRADERS HOTEL, MANILA APRIL 23, 2012
Nasa alaala ko pa po ang kuwento ng mga Pilipinong alimango. Siguro po
narinig na ito ng ilan sa inyo: sa loob daw po ng isang bar, umiinom ang isang
Amerikano. Pumasok ang isang mangingisdang Pilipino na may dalang timba na puno
ng alimango. Ibinaba niya ito; ang sabi ng Amerikano: "Buddy, your crabs are
about to escape." Ang sagot naman ng Pilipino: "Don't bother; they're Filipino
crabs. Before they get out they'll be pulled in." Walang makakaangat, kasi lahat
sila naghahatakan pababa. Habang pinipilit ng ilang kababayan nating makaahon,
siya namang sipag ng ilan na hilain siya pababa.
Bata pa po ako noong una kong narinig ang kuwentong iyan. Ano na po ba ang
nagbago mula noon, at ano ang mga nanatili? Ang mga estudyante kaya ngayon,
pinagbabasa pa rin ng diyaryo sa klase? Kami po dati, talagang tinutukan at
pinasubaybay sa mga pangyayari sa lipunan. Diyaryo po ang basehan namin ng
kaalaman; bihirang-bihira po kaming makakita ng maling spelling, maling grammar,
at mas lalo pong bihira ang maling datos o detalye. Malinaw po ang pagkakaiba ng
op-ed, at ng balitang totoong nangyari lang ang laman. Dumating nga po ang Batas
Militar, at mistulang naging human tape recorder ang lahat; binusalan po ng
diktaturya ang malayang pahayagan. Naibalik po ang kalayaan noong 1986. Angkop
din po sigurong itanong kung napanatili din natin ang mga haliging sandigan ng
inyong institusyon: kredibilidad at integridad, patas na pagtimbang sa
situwasyon, at katapatan sa mga datos at detalye.
Nasaan na po ba tayo ngayon? Nandiyan pa po kaya ang prinsipyo ng "get it
first, but get it right," o napalitan na ito ng "get it first, siguruhin na
bebenta ang storya, at kung hindi tama ang impormasyon, mag-sorry ka na lang."
Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa: Kamakailan lamang, bumisita ang Emir ng
Qatar sa ating bansa. Ibinalita ito sa isang artikulo, pero sa pamagat pa lang —
"Qatar's Emir cuts short state visit" — tila ba nagtatanim na ng pagdududa. At
kapag naman binasa mo ang artikulo, para bang ang mensahe ay "hindi nagkita ang
Pangulo at ang Emir, pero matagumpay ang kanilang bilateral meeting." Ang
nakapagtataka pa, ibinalita rin naman nila ang mga pinirmahang kasunduan, at may
mga litrato at video pa nung nagcover sila sa pagpupulong na ito, pero parang
sinadya na palabuin ang balita. Kayo nga po ang tanungin ko: Anong silbi na
pagdudahin ang publiko kung malinaw naman pala na may nangyaring pagpupulong?
Yung may mga Twitter accounts po sa inyo, baka nabalitaan din na may nakakita
daw po sa aking nakikipag-date sa may Greenhills. Malinaw na naman po na hindi
ito totoo– ngunit muli, nagawa na ang pagtatanim ng duda bago pa ang paglilinaw,
pagtatama, at pagsiguro sa katotohanan ng balita. Nakakalungkot po na natabunan
nito ang mabuting balita na sana'y nakapagpa-angat ng loob ng mga Pilipino. Kasi
nga po, noon mismong mga panahon na iyon, mula alas diyes ng umaga hanggang alas
kuwatro ng hapon ay ka-miting ko ang NEDA board upang magsuri at mag-apruba ng
mga proyekto. Labindalawang proyekto po– kabilang na ang pagkumpuni sa
Baler-Casiguran road na laging naaapektuhan ng mga landslide– ang inaprubahan
noong araw na iyon. 133 billion pesos po ang suma total ng pera ng kaban ng
bayan na mapupunta sa mga proyektong makakapagpaginhawa sa buhay ng kapwa natin
Pilipino.
Pero ano ba ang umugong sa media? Na nakipag-date daw ako. May nagkusa man
lang po bang kumuha ng panig namin bago ito inere? Ang network pong nagbalita
nito, may reporter na bahagi ng Malacanang Press Corps. Tinext man lang po kaya
siya at inutusang dumungaw sa bintana para makita kung umalis ba ang aking
convoy? Mukhang mas ganado silang bumanat muna, at nung nalaman nilang
nakuryente sila, saka na lang sila humingi ng pasensya. May patutsada pang
siguro raw ay magaan ang trabaho noong araw na iyon.
Natawa na nga lang po ako nang mabasa ko ang dalawang banyagang pahayagan;
tila po ba sila pa ang mas tumatanaw sa interes natin. Sa Newsweek po, may
litratong pinuri ang paninindigan natin para sa ating teritoryo laban sa China.
Kayo na po ang magbasa ng caption, dahil baka mabansagan akong bastos kapag
ginamit ko ang napaka-graphic nilang paglalarawan ng tapang ng Pilipino. Sa Time
Magazine naman po, isang litrato ng Pilipinas ang lumabas; ang caption: "The
laggard of Asia is recovering the dynamisn it had in the 1960′s."
Uulitin ko po, hindi mga Pilipino ang nagsulat nito. Kalabisan po bang isipin
na ang Pilipino rin ay dapat kumakalinga at tumatanaw sa interes ng Pilipinas?
Isa pong halimbawa: Tayo lang yata ang kaisa-isang bansa sa mundo na
nagbabalandra ng mga negatibong travel advisory sa sariling mga pahayagan. Ang
paglabas ng ganitong mga babala ay nakasalalay sa persepsyon ng ambassador na
naninirahan dito sa Pilipinas; isa sa pinanggagalingan ng kaniyang opinyon ay
ang mga balitang nakakalap niya mula sa diyaryo at telebisyon. Pero dahil nga sa
negatibismo sa pagbibigay-balita, at sa walang puknat na pagwawagayway sa ating
travel advisories, kahit pa wala namang direktang banta sa Pilipinas, palaging
kinukwestyon ng ibang mga bansa kung ligtas nga ba silang magtungo sa atin.
Isipin lang po natin ang epekto nito. May kakilala po akong magbabalik-bayan
sana. Pero siya mismo nagdadalawang-isip na umuwi, dahil wala na raw siyang
nabasa at nakita sa Filipino channel kundi karahasan at krimen. Paano pa po kaya
ang mga banyagang turista, na tinatayang gagastos ng isanlibong dolyar sa bawat
pagbisita niya sa Pilipinas, na manganganak naman ng trabaho at kabuhayan sa
ating mga kababayan?
Mantakin po ninyo: Noong Pebrero, mahigit 411,000 ang turistang dumalaw sa
ating bansa. Unang beses pong nangyari sa kasaysayan na umabot tayo sa 400,000
na turista. Kung iko-compute po natin, kung manatili sa ganyang bilang ang
bisita kada buwan, papalo po ng mahigit 4.8 million tourists ang dadalaw ngayong
taon. Halos kalahati na po iyan ng target nating 10 million na turista bago ako
bumaba sa puwesto sa 2016. Isipin na lang po natin kung gaano natin kabilis
maaabot ang target na iyan kung mas mangingibabaw ang positibong balita tungkol
sa Pilipinas, kaysa uunahin ang negatibismo?
Naaalala rin po ninyo siguro kung paano hinakot ng mga report ukol sa
carnapping ang mga headline noong nakaraang taon. Nito pong isang linggo lang,
na-convict si Raymond Dominguez na pinuno ng carnapping syndicate. Nadesisyunan
ang kaso sa loob ng isang taon at apat na buwan; ang hatol: labimpito hanggang
sa tatlumpung taon ng pagkakakulong. Ayon din po sa istadistika ng ating
kapulisan, bumaba ng 59.4 percent ang insidente ng carnapping sa taong 2011.
May nagsabi po bang, "ang galing ng mga pulis natin; ang galing ng mga
prosecutor natin?" Nagpapasalamat nga po ako at nabitbit sa ating mga pahayagan
ang kaso ni Dominguez; yun nga lang, yung krimen niya noong nakaraang taon,
inilathala above the fold. Itong conviction niya, below the fold naman
nilathala.
Alalahanin po natin, magkatambal po ang ating mga tungkulin: Kami, bilang
nasa gobyerno, at kayo, bilang tagapaghatid ng katotohanan. Ang pagtupad sa
tungkuling natutuhan na po nating hilingin sa gobyerno, ay siya rin sanang
pagtupad sa tungkuling puwede nating asahan mula sa lahat: Katapatan sa
katotohanan, pantay na pagsusuri, at pagtutok sa kung ano ang makabubuti sa
taumbayan.
Hindi ko naman po hinihiling na mag-imbento kayo ng kuwentong-kutsero upang
pabanguhin ang gobyerno. Pero kung ibabalanse po natin, at iisipin na ang bawat
salita ay nakakaapekto sa buhay ng kapwa natin Pilipino, tiyak ko po na mas
madali nating maaabot ang kolektibo nating mithiin para sa bayan.
Naniniwala po akong iisa ang bangkang sinasakyan ng bawat Pilipino, at lahat
ng Pilipino ay may tungkuling makisagwan upang maabot natin ang ating mga
pangarap. Di po ba't kung buo ang suporta ng bawat Pilipino sa Panatag shoal, ay
panatag din nating maititimon ang ating bansa sa harap ng anumang daluyong na
maaari pang dumating?
Diretsahan po akong nagsasalita sa pagtitipong ito dahil umaasa rin ako sa
diretsahang pakikiisa ninyo upang matugunan ang isyung ito. Nakita na po natin
ang mabuting maidudulot ng pakikipagtulungan. Hindi po ba napakaganda ng
paghahandang nangyari nang lumabas ang mga babala ukol sa tsunami, dahil
katuwang ng gobyerno ang media sa pagpapaalam sa madla ng dapat gawin upang
makaiwas sa pinsala? Hindi po ba napakabuti ng naidulot na pag-angat ng morale
ng taumbayan dahil sa mga PCIJ report ukol sa tapat at malinis na mga proyekto
ng DPWH, o ng mga ulat tungkol sa pag-angat ng ekonomiya ng ating bansa?
Kung magpupunla po tayo ng pagdududa, paghihirap ang dulot nito. Ngunit kung
pag-asa ang ating itatanim, kasaganahan naman ang ating aanihin. Sa inyong
pagpupursigi na maabot ang pinakamataas na antas ng propesyunalismo, integridad,
at kredibilidad sa larangan ng pamamahayag, naniniwala akong maiaangat ang uri
ng ating demokrasya kung sa gitna ng nagtutunggaling boses at opinyon, may
mahubog tayong isang Pilipinas na may mas matibay na lipunan, mas nagkakaisang
tinig, at mas positibong sambayanan.
Maraming salamat po.
FROM THE TRIBUNE
Annoyed Noy flays media anew for 'crab mentality'
By Rocky G. Nazareno 04/24/2012
[PHOTO - PPI CONFAB: Print may fade, but not newspapers. It's a rather
curious theme: Media accountability and public engagement.]
President Aquino scored the media anew for what he perceives as negative
publicity he and his administration have been getting and gave reporters
covering Malacañang a lecture on seeing the positive side of news stories while
accusing them of having a "crab mentality" in being the first to get a story,
"make sure that the story sells and if the information is not correct, just say
sorry later."
Aquino after lashing at reporters during the Philippine Press Institute (PPI)
16th National Press Forum at the Traders Hotel in Pasay City, however, needed to
visit the Palace press center to explain his allegations short of himself saying
sorry for his public statement.
"Where are we now (in matters of journalism)? Is the principle 'get it first,
but get it right' still there?, " Aquino lamented in the forum on media
accountability and public engagement.
This direct accusation drew the ire of not a few in media circles,
particularly the Malacanang Press Corps (MPC) which was not invited to cover the
President in the event.
The President likened the current reportage of his government to the Filipino
adage on "crab mentality" where crabs placed inside a pail tend to climb over
each other just to get to the top.
He cited as example a recent report, saying that the Emir of Qatar, Sheikh
Hamad Bin Khalifa Al Thani, chose to cut short his state visit to Manila last
April 10.
Mr. Aquino complained that while the story's headline read "Qatar's Emir cuts
short state visit," "the message was like the President and the Emir did not
meet each other but the bilateral meeting went well."
"It was like it planted a seed of doubt. And what's more puzzling was that
they went on to report about the agreements signed with photos and video
footages to boot about the meeting. What will it serve if you instill doubt in
the public when it is clear that there was, indeed, a meeting," he said.
This drew a sharp reaction from Philippine Daily Inquirer's Christine
Avendano, the lone reporter left to complete the coverage of the Emir's visit
that day. According to her, she had actually completed a full story of the
visit's outcome, including the agreements signed, but that it was presidential
deputy spokesman Abigail Valte who texted her at around 10 pm to "confirm that
the Emir cut short his visit."
"It was a late-breaking update from them. I wouldn't have relayed it to our
desk if they, themselves, did not confirm it," she said.
Apparently tipped off of the negative reaction to his speech, the President
made a surprise visit at the Press Working Area (PWA) later in the afternoon,
particularly looking for Avendano.
"It's nothing personal. I'm not angry at you," Mr. Aquino told the MPC
members.
And when pressed by another MPC member if what he now expects from the Palace
reporters were only positive reports, a piqued Aquino replied: "Why? Don't I
have any credibility from you anymore?"
He further explained that the media may have been overly critical of his
every move. "It's like I have a pimple. It's as if that one pimple is my world.
Why, aren't my eyes beautiful? Don't you see anything other than that one
pimple?" the President said.
The President also went back to a controversial Tweeter remark of actor Edu
Manzano last March 22 as allegedly another effort "to sow doubt even before any
clarification or correction about the truth in the news."
"It is sad that this again overshadowed what would have been good news about
the lifting of the confidence of the Filipino," he remarked while maintaining
anew that he had been in a six-hour meeting with the National Economic
Development Authority (Neda) board at the time that Manzano had tweeted that he
and Lee had gone on a date.
Worse, he dragged the MPC into the issue when he riled the network which
reported on the purported date for not "texting or asking its reporter, who is
part of the MPC, to just look at the window to see if my convoy is still there."
The Malacañang PWA is located at the New Executive Building (NEB), which is
at the back of the main Palace grounds where no windows, doors or any other
vantage point could afford anyone a view of the convoy.
Aquino also became a newspaper expert when he criticized the reportage on
carnapper Raymond Dominguez, charging that when the suspect committed his crime
last year, the headline was "above the fold."
"But when his conviction came out, it was below the fold," he said.
And to further rub salt to the wound, the President instead heaped praise on
the foreign media which he said "seemed more keen on looking after our
interests."
He cited the report in Newsweek's April 23-30 issue which said that the
Philippines showed "testicular fortitude" in its stand against powerhouse China
in the ongoing dispute at the Panatag Shoal.
"Just read the caption because people might accuse me of profanity if I cite
their graphic belief in the Filipino's courage," Mr. Aquino said.
The Chief Executive likewise noted the Time Magazine cartoon which portrayed
the Philippines as "the laggard of Asia is recovering the dynamism it had in the
1960s."
"Filipinos are not the ones who wrote these. Is it too much to ask that
Filipinos, themselves, show care and interest for the Philippines?" he asked.
Mr. Aquino also took a dig at a local media practice which regularly reports
on adverse travel advisories issued by foreign governments against the
Philippines.
"We are the one and only country in the world which brandishes negative
travel advisories in our own newspapers. The issuance of these advisories depend
on the perception of the ambassadors here and one of his the sources that
ultimately lead him to making that recommendation comes from the papers and
television," he said.
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All
rights reserved
PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE
[Non-text portions of this message have been removed]
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet
This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.
To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com
Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/
(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------