MANILA, APRIL 1, 2011 (PINOYPARAZZI ONLINE; PHOTOS FROM PAPARAZZI) NAKU, 'DAY! NASA gitna na naman ngayon ng intriga si Willie Revillame dahil sa batang si Jan-Jan na sumali sa isang game niya sa Willing Willie na pinasayaw niya bago isinalang sa contest.
Ito palang si Jan-Jan na anim na taong gulang pa lang, ang galing sumayaw na parang isang macho dancer. Natuwa sa kanya si Willie lalo na ang audience sa studio, kaya paulit-ulit na tinugtog ang isang music na sinasabayan naman ng sayaw ng bata.
Sa sobrang tuwa ni Willie, binigyan niya ito ng P10 thousand at malaking tulong 'yon sa bata. Ngayon, katakut-takot na reaksyon ang inaabot ng TV host sa mga nakapanood. Kung anu-anong panlalait ang inaabot ni Willie sa Twitter at sa kung anu-anong blog.
Hindi ko naman nababasa ang mga panlalait nila, pero naging malaking usapin na nga ito, kaya nagbigay ng statement ang TV5 at nung kamakalawa, bumalik si Jan-Jan sa Willing Willie kasama na ang nanay at tatay nito pati na ang kapatid niya.
Ang magulang na mismo ang nagsalita at ipinagtanggol ang programa at si Willie na hindi sila inabuso o walang child abuse na nangyari, gaya ng sinasabi ng mga nambabatikos kay Willie.
Sabi naman ni Willie, kung marami ang na-offend sa ginawa nila, humingi na siya ng paumanhin, ang sa kanila lang naman daw ay gusto nilang makatulong at makapagbigay kasiyahan sa mga manonood at sa mga nangangailangan.
Lalo tuloy napalapit at minahal ng masa si Willie, dahil sa totoo lang, wala silang intensyong paglaruan at gawing katatawanan ang bata. Nagkataon lang na nag-macho dancing ito na para talagang isang macho dancer, sabay pa tulo ang luha na dramang-drama ang da-ting.
Idagdag pang may pagka-bading yata ang tatay ni Jan-Jan na me-rong parlor sa Project 6. Kaya baka tatay pa ang nagturo nito. Pero hindi na isyu 'yon dahil masaya silang pamilya.
Malaking tulong sa bata ang perang ibinigay ni Willie at napasaya niya ito. Hindi labag sa kalooban ng bata na gawin niya ang pagsayaw habang umiiyak pa.
Hay, naku! Itong mga nanlalait at pumupuna sa ginawa ni Willie, ewan ko kung nakapagbigay ba sila ng tulong sa mga batang na-ngangailangan. Meron ba silang naibigay na tulong sa kababayan nila?
Sabi nga ng mga bading, parang napaka-holier than thou sila kung makapuna gayung wala naman yata silang nagawa sa mga kababayan nilang nangangailangan.
Mabuti't hindi naman apektado si Willie sa mga naninira sa kanya. Tuloy pa rin ang pagtulong niya at pagbibigay ng kasiyahan sa mga sumusubaybay sa programa niya. Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis
Shalani Soledad, No-No To Womanizers!
LALONG NAGNINGNING ANG pangalan ni Shalani Soledad nang maging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie ng TV5. Nag-click sa masang Pinoy ang tandem nila na lalong nagpasigla sa mga manonood. Nakakaaliw, marami ang kinikilig habang masayang pinapanood ang dalawa lalo na kapag nagsi-mula na ang TV host/singer magpalipad hangin sa konsehala ng Valenzuela. Ang lakas ng impact nila sa mga tao, kaya kinagigiliwan silang panoorin.
Almost five months na palang co-host ni Willie si Shalani. Relaxed na ang dalaga, malaki na ang hinusay nito sa pagho-host. Marunong nang sumabay sa mga birong totoo ng controversial TV host.
"I really enjoy the show. Mababait lahat 'yung mga kasamahan ko," masayang sabi ni Shalani.
Kung sakaling may soap or ano-ther TV show na I-offer sa kanya, willing ba naman siyang tanggapin ito ?
"Willing Willie muna tayo," mabilis niyang tugon.
Nang magsimulang maging co-host ni Willie si Shalani inugnay na sila sa isa't isa. Almost everyday, palaging may pagpapahiwatig ng kanyang damdamin ang controversial TV host sa mahinhing dalaga. Palagi nga lang sinasabi ni Shalani, "Basta hindi babaero." Tatawa lang ng malakas si Willie at babaling na ito sa mga contestant.
Sa takbo ng relationship nina Willie at Shalani, tipong lumalalim ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Nakapag-adjust na rin ang Konsehala sa mga biro nito on-air sa kanilang show. Hindi niya siniseryoso or binibigyang kulay ang nagiging pahayag ng magaling na TV host.
May moment kayang nagsabi si Willie, seryoso niyang liligawan si Shalani?
"Co-host lang po ako ni Willie. Si Willie na lang po ang tanungin ninyo kung nanliligaw siya," makahulugang sambit ni Shalani.
"Masarap katrabaho si Willie, Nahawa na ako sa kanya. 'Pag siya ang kasama ko, masaya talaga ako. But let me focus on my work now. Huwag nating bigyan muna ng kahulugan 'yung pagsakay ko sa mga biro niya, parte lang po ng programa 'yan.
"Pero kung darating ang araw na kami na, walang makakapigil doon, kung 'yun ang kapalaran naming dalawa, tatanggapin ko. Kung mangyayari, mangyayari."
Hindi itinanggi ni Shalani na lu-mabas sila ni Willie nung Valentine's Day.
"We watched 'yung show nina Rico Puno at saka ni Ms. Kuh Ledesma sa PICC. Kasama ko siya at saka sina Boss Vic Del Rosario. Nung mag-guest co-host kasi si Rico sa Willing Willie, nag-invite siya sa amin. In return, siyempre, nanood kami," kuwento niya.
Sa ngayon kaya ay ready na si Shalani na magmahal at mahalin?
"Hindi mo naman masasabi 'yan. Siguro if it happens, it happens. You just pray na when it does, you can also commit hundred percent to the person," aniya.
Inamin ni Shalani na apektado ang pamilya niya kapag may intrigang hindi totoong ipinupukol sa kanya. Matatag niya itong hinaharap na walang takot.
"Anything na masulat sa akin na hindi maganda at nabasa ng mommy ko, siyempre nahu-hurt siya. Kasama 'yung family ko, 'yung uncle ko, 'yung mga kapatid ko, 'yung mga pinsan ko. Lahat sila ay nasasaktan 'pag hindi maganda ang nasusulat sa akin," pahayag niya.
'Yung intrigang hindi raw tuloy ang endorsement ni Shalani sa Bench. "We would like to thank Bench because they put up 'yung billboard for the past 2 months. It was put up sa may Balintawak," aniya.
Hindi man maging Bench model ang dalaga, pinahalagahan niya na minsan ay naging bahagi rin siya nito kasama si Willie.
PERSONAL: TAOS PUSO ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Imelda Mendoza Banawa na pumanaw last March 17 sa edad na 54 sa sakit na Myocardial Infarction, autopsy finding. I-binurol sa Rizal Funeral Pasay City. Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Heritage Park, Taguig Rizal. Condolence sa mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at mga anak ng yumao na sina Mary Jane Banawa, Dexter, Marvic, Deselyn, Dharyl at Darwin. AYAW Paawat! by Eddie Littlefield
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2011 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved
PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE
[Non-text portions of this message have been removed]
------------------------------------
-------------------------------------------------------------
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet
This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.
To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com
Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/
(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------Yahoo! Groups Links
<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/
<*> Your email settings:
Individual Email | Traditional
<*> To change settings online go to:
http://groups.yahoo.com/group/phno/join
(Yahoo! ID required)
<*> To change settings via email:
phno-digest@yahoogroups.com
phno-fullfeatured@yahoogroups.com
<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
phno-unsubscribe@yahoogroups.com
<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/