MARIAN BINIGYAN NI DINGDONG NG 3 CARAT NA SINGSING
MANILA, JANUARY 21, 2011 (STAR) SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon)
Laglag sa Best Foreign Language Film category ng Oscars ang pelikulang Noy ayon sa mga online reports na naglabasan kahapon.
Si Coco Martin ang bida sa Noy.
Sixty-six na pelikula ang unang qualified sa nasabing kategorya at magkakaroon pa ng next round ng botohan para sa 83rd Academy Awards. Kasama sa mga pumasok ang mga sumusunod : alphabetical order
Algeria, Hors la Loi (Outside the Law), Rachid Bouchareb, director;
Canada, Incendies, Denis Villeneuve, director;
Denmark, In a Better World, Susanne Bier, director;
Greece, Dogtooth, Yorgos Lanthimos, director;
Japan, Confessions, Tetsuya Nakashima, director;
Mexico, Biutiful, Alejandro Gonzalez Inarritu, director;
South Africa, Life, above All, Oliver Schmitz, director;
Spain, Tambien la Lluvia ( Even the Rain), Iciar Bollain, director;
Sweden, Simple Simon, Andreas Ohman, director.
Sa kasamaang palad, parating laglag ang mga napipiling pelikula ng Film Academy of the Philippines na ipina-review sa nasabing kategorya ng Oscars.
Mukhang wala na talagang pag-asa ang mga pelikula natin. Kada-taon, parang palala ang mga kuwento ng pelikulang Tagalog kaya paano pa nga tayo mapapasali sa Oscars.
Paano na ang industriya ng pelikulang Pinoy?
Bukod sa palalang script, nakakaalarma na mas lalo yatang mababawasan ang ipalalabas na pelikula ngayong taon.
Buong January, walang pelikulang Tagalog na ipinalabas. At least sa papasok na buwan, tatlo ang naka-schedule ipalabas : Bulong starring Vhong Navarro and Angelica Panganiban, My Valentine Girls starring Richard Gutierrez with Eugene Domingo, Solenn Heussaff, Lovi Poe and Rhian Ramos at ang Who's That Girl? ng Viva Films starring Anne Curtis and Luis Manzano.
Sa March naka-schedule and movie nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.
Sa April kaya meron din?
Dapat na bang mag-panic ang mga taga-showbiz sa nangyayari?
Umabot pa kaya ng 20 films ang ipalalabas ngayong taon?
* * *
Hmmm, parang hindi ko pa nakikitang suot ni Marian Rivera ang 3 karat diamond ring na bigay ni Dingdong Dantes last Christmas.
Yup, 3 karat na singsing daw ang regalo ng aktor kay Marian last Christmas. Mismong ang alahera ang leak ng tsismis tungkol sa nasabing ring na hinanap pa raw ng aktor para sa girlfriend na aktres.
Naungkat na dati ang nasabing issue pero tinatawanan lang ni Marian.
Christmas gift lang kaya 'yun o engagement na?
Ganda talaga ni Marian. Ang mahal nun ha. Seryosohan na talaga sila. Kaya 'wag tayong magugulat kung magiging Mr. & Mrs. Dantes sila mga two years from now.
Big name na papasok sa Q11, pahulaan ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated January 21, 2011 12:00 AM Comments (0)
Malapit nang maging news channel ang Q Channel 11. Ang sabi, sa last week ng February and for one week, magsasara ang Q Channel 11 at pagbalik, news channel na. Maraming shows na umeere ngayon ang mawawala pero may ilan ang mare-retain at kasama rito ang Tweetbiz, Full Time Moms, at Balikbayan ni Drew Arellano, pero iibahin ang title. Ang X Life ay extended up to March.
Mari-retain din ang American Idol, kaya lang, paano ito mapapanood kung one week na magsa-shut down ang Q Channel 11? Posible kayang ilipat muna sila sa GMA 7?
Curious kami sa "one big name" in news na makakasama ng mga reporters. Sino kaya siya?
Barbie bida na nga pero paiitimin naman
Mukhang pinakinggan ng GMA 7 ang request ng mga fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na bigyan ng show ang dalawa bukod sa Reel Love Presents… Tween Hearts dahil hindi sila happy na every Sunday lang napapanood ang dalawa.
Ang balita namin, si Barbie ang bida sa afternoon soap na Nita Negrita na ipapalit yata sa Koreana at si Joshua naman ang makakapareha niya. Kasama rin sa cast ng Nita Negrita ang kasama nila sa Tween Hearts na sina Lexi Fernandez at Kristoffer Martin dahil sila na lang ang walang other show sa network. Pero totoo kayang kung hindi pa binigyan ng ibang show si Kristoffer, babalik na ito sa ABS-CBN?
Ang puti ni Barbie at para paitimin, kailangan ng maraming body make-up tuwing may taping ng Nita Negrita, pero bida naman siya.
Valentine show ni Gary V. hindi na tuloy
Hindi magkakatapat ang mga shows sa Feb. 12 nina Martin Nievera at Sarah Geronimo at Gary Valenciano dahil hindi tuloy ang Valentine show ni Gary sa Manila Hotel. Na-move sa ibang date ang show ni Gary, pero this year pa rin.
Sabi ni Angeli Pangilinan-Valenciano, kulang sa preparasyon kung Feb. 12 ang concert at ayaw ni Gary na minamadali ang paghahanda. Saka, pagod ito dahil katatapos lang ng 1@11 concert nila ni Charice sa SM MOA Concert Grounds, kung saan 75,000 ang nanood.
Nasa Orlando, Florida si Gary ngayon at dinalaw ang inang galing sa sakit. Kagagaling lang nina Gary at Gab Valenciano sa Anaheim, California at dumalo sa NAMM o National Association of Music Merchants.
Excited na na-tweet ni Gary na nakita niya ang mga kilalang name sa music industry, gaya ni Verdine White, ang original bass player ng favorite band niyang Earth Wind & Fire. Disappointed si Mr. Pure Energy nang 'di makita si Stevie Wonder.
Polo humingi ng trabaho sa baclaran church
Kuwento ni Polo Ravales, ipinagdasal at hiningi niya sa Baclaran Church ang pagkakasali niya sa cast ng Machete. After Grazilda, nagsimba siya sa Baclaran para humingi ng project dahil ayaw niyang umabot uli sa six months na wala siyang show.
"Ang dasal ko kay Lord, gusto ko lang maging busy uli and after a day, ibinigay niya ang Machete. Mabilis akong pinakinggan ng Diyos, kaya nagbalik ako sa Baclaran para magpasalamat," kuwento ni Polo.
----------------------------------------------------------
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2011 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved
----------------------------------------------------------
PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE
[Non-text portions of this message have been removed]
Follow us on Twitter: http://twitter.com/phnotweet
This is the PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE (PHNO) Mailing List.
To stop receiving our news items, please send a blank e-mail addressed to: phno-unsubscribe@yahoogroups.com
Please visit our homepage at: http://www.newsflash.org/
(c) Copyright 2009. All rights reserved.
-------------------------------------------------------------




